Una sa Balita

AMA Juniors lalaro sa Jakarta

0 262

Magpapamalas ng galing sa Oktubre ang AMA Juniors 18-under sa Jakarta.

Makakalaban nila ang isang top college team na Universitas Pelita Harapan (UPH) at national team juniors na inayos ni Coach Benjamin Alvarez Sipino na assistant coach ng Blackwater.

Magandang experience­ na makalaban ang mas malalaking player mula Indonesia.

Isa ring magandang bonding sa AMA Juniors para maka-relax dahil sa mga tagumpay na binigay nila sa AMA gaya ng pag-champion sa Breakdown Basketball at Taiwan Excellence.

Kaya nagpapasa­lamat kami kina AMA Chairman Amb. Ama­ble R. Aguiluz V & Presi­dent Dr. Amable C. Agui­luz IX sa suporta sa team na binubuo nina Chistian Camay, Reed Baclig, Joshua Villamor,­ Eriz Romero, JP at EJ Magpayo, Cymond Santos, Ado at Kobe Cruz, Earl Ceniza, Alec Catorce, Nikon Alina at Abron Karunungan.

***

Nanguguna na sa serye ang San Miguel Beermen laban sa TNT (3-2) pero isa na naman magandang laban ang pinamalas nila hangang sa dulo.
Maganda ang depensa ng magkabilang koponan kaya goodluck sa kanila lalo sa mga kaibigan kong coach na sina Leo Austria ng SMB at Bong Ravena ng TNT.

***

Magbabalik sa kanyang unang team sa PBA D-League si Baby Shaq Jay-R Taganas sa AMA Online sa susunod na laro dahil naniniwala ang team na malaki ang maitutulong niya sa loob sa dahilang lahat ng talo ng AMA ay mula sa rebounds at pag-match up sa bigman at foreigner ng kalaban.

Kaya ‘di naiiba si Taganas sa sistema ko bilang head coach na dati sa Maynilad at unang nagbigay sa kanya ng pagbabalik sa basketball pagkatapos ng college career dahil malaki ang chance ng AMA makapasok sa susunod na baytang ng liga.

***

Binabati ko ang Solid San juan sa panalo sa MBT 13-Under division at kay Coach Justine Tan, pati na rin sa 13-Under Octagon bilang 1st runner up at salamat sa suporta sa kumpare kong si Boss JC at NorthPort Eric Arejola.

Goodluck sa Team 14-U elite na lalaro sa 3on3 Hotshots na kinabibilangan ni Nash Balina na mula sa Batangas, Ej Sison na galing Quezon City, Andre Herrera mula sa Cainta at Ice Umali mula sa Caloocan.

Binabati ko ang magandang manager­ ng Banco de Oro-Project­ 8 Road 20 branch Ma’am Ruth.

Maligayang kaara­wan kay Mr. Jaoquin Berdin at sa AMA head treasury na si Ma’am Malou at Ma’am Gigi.

Salamat sa lahat ng tulong n’yo sa AMA Sports Program.

Binabati ko rin ang aking masisipag na pinsan sa Maynila na si Chairman Jeffrey Soliongco at Kagawad Pepe Soliongco sa kanilang kakatapos lang na liga sa After 7 Club.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy