Una sa Balita

AMA CUP Season 2, walang tournament fee

By
0 225

MAGKAKAROON ulit ng AMA CUP Season 2 sa Sept. 1, 2018 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum o sa Ynares Sports Complex. Ito ay may apat na division sa mga isinilang sa taong 2001, 2002, 2003 at 2006. Magkakaroon ng meeting sa Agosto 19, 2018 sa AMA University, Villa Arca Subdivision, Project 8, Quezon City, ala-una ng hapon.

Magiging taunan na ang liga na programa ng AMA sports program sa suporta ng aming AMA Chairman Amb. A­mable R. Aguiluz V, AMA President Dr. Amable C. Aguiluz IX at AMA Vice President Arnel Hibo. Wala pong babayarang tournament fee ang mga koponan na bukas sa mga pribado at pampublikong eskuwelahan pati na rin sa mga out-of-school youth at club team na nakaiskedyul tuwing Sabado, Linggo at holidays sa AMA University wooden court.

*** 

May tig-dalawang panalo na ang team AMA Jrs. 19 at 17 Under sa Breakdown Basketball sa Ateneo Moro gym. Namuno si Christian Germino na nag-a-average ng 21 pts. at 10 rebounds kada laro at sina Alec Catorce, Zester Nave at Dominic Sayat sa 19-Under. Sa 17-under naman ay sina Allen Rodriguez, Gio Gabriel, Reed Baclig at Joshua Villamor ang nagpakitang-gilas.

***

Binabati ko ang buong Ginebra team na naghari sa PBA noong Martes sa Game 6 ng serye at sa idolo ko sa coaching na si Coach Tim Cone, na kahit saan magpunta ay siguradong mapagkakampeon ang isang koponan.
***

Maligayang kaa­rawan kay Sir Jerry Baltazar na kasalukuyang naglalaro sa ABL ng Ateneo at sa team ng FEU Jrs. sa tagumpay nila sa kanilang liga sa Cebu, pati ang rookie player na si Tristan Bradley na patuloy na nagpapamalas ng galing kahit baguhan pa lang sa Baby Tams.
Gayundin binabati ko ang aking anak na si Andre Herrera ng San Beda SBP team na hinirang na captain ball ng kanyang coach na si Vl Sandalo.