Una sa Balita

Ama Bank-Aguiluz kinandado ng BSP

0 583

IPINASARA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang AMA Rural Bank of Mandaluyong, ang banking arm ng AMA Group of Companies.

Ang AMA Rural Bank ay inilagay sa pamamahala ng Philippine Deposit Insurance Corp. na siya ngayong maninigurong maibabalik ang pera ng mga depositor at mabayaran ang mga kinauutangan ng mga ito.

Sa ilalim ng batas, sasagutin lang ng PDIC ang mga deposit na hindi lalagpas ng P500,000.

Kabilang sa mga shareholder ng AMA Rural Bank ay sina Amable Aguiluz IV, Amable Aguiluz V, AMA Computer College Inc. at First Women’s Credit Corp.

May tanggapan ito 311 Shaw Boulevard, Mandaluyong at may 12 sangay.

Ito ang ika-15 pinakamalaking rural bank sa bansa sa ­asset na P2.8 bilyon as of June 2019.

Ang pagsara ng AMA Rural Bank ay inaprubahan ng Monetary Board sa ilalim ng MB Resolution 1705-C.

Sa ilalim ng Section 13 ng R.A. 3591 (PDIC Charter), na inamyendahan ng R.A. 10846, ang bangko na isinailalim sa liquidation ay hindi na maaring makapagbukas muli. Sa ilalim naman ng Section 12, hindi na rin maaaring isalang sa rehabilitasyon ang nasabing bangko.

Samantala, pinasara din ng BSP ang Maximum Savings Bank na pinamumunuan naman ni Atty. Joseph Dax Aguilar. Sakop naman ng MB Resolution 1704-C ang pagsasara ng Maximum Savings Bank.

Ang MAX bank ay may 5 sangay at ang dating pangalan­ nito ay Microfinance Maximum Savings Bank. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy