Una sa Balita

AMA abante sa 9th UCSAA Finals

0 400

PINATAOB ng high school 17-U basketball team ang First City Providencial College, 80-61, habang winasak ng AMA U seniors squad ang World Citi Colleges, 102-69 upang makapasok sa championship Round ng UCSAA 9th Season.

Nanguna sina Earl Bryan Ceniza (26 pts., 12 rebs.), Daryl Durante (10 pts.), JC Yambao (13 pts.), Reed Baclig (12 pts.), Eriz Romero (6 pts.) at Joshua Villamor (6 pts.) sa AMA 17-U.

Dinurog ng AMA seniors ang World Citi Colleges sa pamumuno ni Jay-R Dela Rosa (20 pts. sa 21minutes).

Tinulungan siya ni MVP candidate Luke Parcero (16 pts.), Ged Austria (15 pts.), Alvin Fuentes (12 pts.), Nico Estibar (10 pts.) at Christian Germino (10 pts.)

Ang dalawang koponan ng AMA University ay parehas lalaban sa best-of-three championship series.

Ito ang unang taon ng AMA sa Universities Colleges Schools Athletic Association (UCSAA) na napakahusay na pinapatakbo ni Tournament Director Harlem Ruiz ng Philippine Sports Commission at ni President Nestor Dela Cruz ng St. Dominic Savio College.

***

Congrats sa players ko na all out sa paglalaro at pagsunod sa napaka-epektibong sistema ng inyong lingkod at aking mga asistant coach na sina Benjie Diswe, Judah Villamor, Edwin Ancheta, Gus Fortuna, Oyie Temporosa at Yong Catequista.

Maraming salamat din sa walang sawang supporta na ibibigay ng aming AMA Chairman Dr. Amable R. Aguiluz V at aming Presidente Dr. Amable C. Aguiluz IX.

***

May tatlong manlalaro mula sa Notre Dame School-caloocan na may potensiyal, ang magkapatid na Tetsuya Jan at Emeran James Sison pati na rin si Ice Umali.

Si Tetsuya ay isang malaking all around na bata na kaya maglaro halos lahat ng posisyon at parang si James Yap.

Si EJ naman ay isang mabilis at shooter na point guard na parang si Jayson Castro at si Ice naman ay off guard na kaya rin maglaro sa loob na parang si Bong Hawkins ng PBA nung araw.

***

Malapit na matapos ang AMA inter employee sa AMA University sa Quezon City.

Nanguguna ang AMA head office at AMA Bank na parehong maganda ang standing.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy