Una sa Balita

Ama, 3 anak na babae arestado sa Palawan buy-bust

By
0 2,205

Arestado ang isang Immam at tatlo nitong anak dahil sa pagbebenta ng shabu sa Palawan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PRO-MIMAROPA Regional Director Chief Supt. Ringo Licup ang mga suspek na sina Mohamad Sarif Sood at ang mga anak na babae nito na may mga edad 18, 13 at 12.

Ayon kay Licup, naaresto ang apat matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Coron Police at 401st Regional Mobile Force Battalion laban sa mga suspek sa Barangay Poblacion 2 sa Coron.

Ani Licup, ginagamit ni Sood ang tatlong anak bilang courier at taga-deli­ver ng shabu sa mga customer nito.

Nakuha mula sa mga suspek ang 31 sachet ng shabu.