Una sa Balita

Ama, 2-anyos na anak nalunod sa pagtawid sa US border

0 334

MALAGIM na kamatayan ang sinapit ng mag-ama nang malunod sila sa ilog sa pagtatangkang makatawid patungo ng Estados Unidos.

Ang sinapit ng mag-ama, isang taga-El Salvador at ang 2-anyos niyang anak na babae, ay nakunan ng larawan habang nakalutang sa pampang ng ilog sa Rio Grande, bahagi ng border ng US at Mexico.

Kinilala ang mga biktima na sina Oscar Alberto Martinez at anak na si Angie Valeria. Nalunod sila dahil sa lakas na agos sa Rio Grande noong Linggo.

Natagpuan ang kanilang bangkay nitong Lunes malapit sa Matamo­os sa Brownsville, Texas. Ang bata ay nakasuksok sa t-shirt ng kanyang ama sa likod.

Naghigpit ang US sa mga humihirit ng asylum sa kanilang bansa kaya’t marami ang tumatawid sa ilog kahit malagay sa panganib ang kanilang buhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy