Una sa Balita

AMA 14 sunod na conference nang kasali sa PBA D-League

0 347

Magsisimula na ang PBA D-League Foundation Cup 2019 sa dara­ting na July 23 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Isa ang AMA Online Education Team sa 14 teams na kalahok nga­yon sa Foundation Cup.

Ito ang pang-7th straight year at 14th straight conference na pagsali ng AMA nang walang foreigner at sponsor.

Tanging AMA lamang at nakapagbigay ng tsansa at tumulong sa mga manlalarong makapaglaro sa PBA gaya nina Jeremy King, Rashawn McCarthy, Jeron Teng, Kyles Lao, Jammer Jamito, Juami Tiongson, Philip Paniamogan, JK Casiño, Joseph Eriobu, at Kris Porter na pawang naglaro sa AMA Online PBA D-League team.

Ngayong darating na conference, aasahan ng AMA ang mga rookie­ na sina Rochil Saor, Aldrine Gubot, Nikon Alina, Erico Martin, Alec Catorce, Christian Germino, Emannel Baturiano, Christopher Perez at mga beteranong Andre Paras, Luke Parcero at Aaron Black.

Nagpapasalamat kami sa walang sawang suporta ni AMA Chairman Amb. Amable C. Aguiluz V at President Dr. Amable C. Aguiluz.

Magsisimula na rin ang Breakdown Basketball ngayong weekend sa Moro Lorenzo Gym sa loob ng bakuran ng Ateneo De Manila University.

Sasabak na sa laban ngayong darating na Linggo, July 14, ang AMA 19-Under (Born 2000) laban sa koponan ng OCC 92 na magsisimula ng 12:30pm.

Makikipagtagisan din ng lakas ang AMA 16-Under (Born 2003) laban sa LSCA.

Ang AMA 19-Under ay binubuo nina Nikon Alina, Alec Catorce, Christian Germino, Aldrine Gubot, Cymond Santos, Reed Baclig, Allen Rodriguez, Joshua Seda, Kobe Cruz, Christian Camay, Eriz Romero, JC Yambao, Nathan Flores, Rafael Raymundo, Calven Cullado, Earl Bryan Ceniza, Joshua Villamor at Daryl Durante habang ang AMA 16-Under naman ay binubuo nina Rolly Temporosa, JP Magpayo, Ado Cruz, Joko Bojorcelo, Buboy Berdin, Jasper Del Pilar, Riel Lisondra, Abron Karunungan, John Rivera at Kyn Vicente.

Binabati ko ang isa sa mga tunay na kaibi­gang coach at iniidolo sa coaching sa paghawak ng grassroots program sa Pilipinas at bilang isang ulirang ama na si coach Beaujing Acot.

Binabati ko rin ang 13-Under Elite Octagon Tires & Accessories na may 6-0 record na sa Metro Basketball League at ang team owner na si Boss JC.

Binabati ko rin si coach Ron Camara sa kanilang panalo sa inter-city team One Cainta.

Nagpapasalamat kami sa Gabrielle’s Organic Meat & Restaurant sa kanilang masasarap na pagkain at napakagandang lugar sa Magin­hawa Street sa Quezon City na pag-aari ni Ginang Angeli Ebdane na ina ni Third Ebdane na player ng Ateneo.

Isa si Ebdane sa inaasahang player ng 13-Under Elite Octagon Tires & Accessories sa Metro Manila League.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy