Una sa Balita

Alyssa Valdez volley queen

0 297

Happy and blessed Sunday YANGsters!

Isa sa patuloy na humahatak ng atensyon sa maraming Pinoy ang volleyball.
Kapag pinag-usapan ang sport na ito, imposibleng mawala ang pangalan ni phenomenal volleyball superstar Alyssa Valdez.

I must say, magaling talaga si Valdez, obviou­s naman siguro sa kanyang ‘di na mabilang na individual awards at championships mula sa kanyang collegiate years sa UAAP kasama ang Ateneo Lady Eagles hanggang sa umakyat siya ng professional level.

Siya ang three-time Most Valuable Player ng UAAP, tatlong ulit ng kinilala bilang Confe­rence MVP ng Shakey’s V-league, two-time MVP ng Premier Volleyball League (PVL), apat na taong pinangalanan bilang Miss Volleyball ng Philippine Sportswriters Association (PSA) and a lot more.

Jusme, sigurado akong aabutin tayo ng bukas-makalawa kapag nilagay pa natin ang lahat ng awards at championships ni Valdez since Day 1!

Dati akala ko maga­ling lang si Valdez kung bakit ang daming umiidolo sa kanya, pero I am telling you girls and gals, ilang beses na kamin­g nag-meet and I can say na talagang down-to-earth at born-ready si Valdez para sa interview.

Tingin ko, ‘yun din ang dahilan kung bakit ang dami-daming nagmamahal sa kanya kasi kahit nasa labas ng court, ramdam mo talaga ‘yung sinseridad at respeto niya sa bawat isa.
Gaya ng kanyang fandom sa Twitter, OMG, ang dami talaga pramis! Fan din ako ni Alyssa at willing akong suportahan siya kahit ano’ng team pa ang bitbitin niya, pero siyempre, pinakagusto kong jersey niya ang National Team.

Pero medyo made-delay pa ‘yun kasi sa November 30 to December 11 pa ang 30th Southeast Asian Games kung saan isa si Valdez sa mga manla­laro ng Ph Team.

For now, suportahan muna kita sa PVL Reinforced Conference kasama ang two-time PVL champions Creamline Cool Smashers.

Ang mensahe ko na lang siguro para sa ‘yo Valdez, ipagpatuloy mo lang ang magandang ginagawa mo para ia­ngat ang Philippine volleyball. Mabuhay ka!
***

Kung may mga suhestiyon para sa mga future topic natin, maaari ninyo po akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com or puwede ninyo rin po akong i-follow sa Twitter @ariannemallare o Instagram @sagittarianne.
Huwag din ninyong kalimutang i-follow sa Twitter ang @AbanteNews para lagi kayong updated sa latest issues.
Abangan po ninyo ulit ang ating next column sa Linggo, sa­lamat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy