Una sa Balita

Alyssa, Kiefer swap ng karera

0 558

HABANG nakatengga sa kani-kanilang bahay tuloy ang bonding at sweetness overload ng magdyowang Kiefer Ravena at Alyssa Valdez nang magpalitan ito ng kanilang karera.

Sa tweet ng NLEX Road Warriors (@ArangakadaNLEX) ay makikitang nagba-volleyball si NLEX guard Ravena habang aliw naman sa pagba-basketball ang volleyball phenom na si Valdez.

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang pakulo ng magdyowa na ayon pa sa kanila ay parehong magaling sa larangan man ng basketball o volleyball.

Sabin i netizen @MyrnaMarzan3, “both did well,” habang hirit naman ni @kathmena0303, “step back Aly did it better.”

Magugunitang tigil-aksyon muna si former Ateneo cager Ravena sa PBA dahil suspendido ang mga laro dulot ng COVID-19.

Si Creamline superstar Valdez naman ay pahinga rin at pokus muna sa training habang hindi pa nagsisimula ang Premier Volleyball League o PVL. (Aivan Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More