Una sa Balita

Alyssa, Jaja, ‘pride’ ng ‘Pinas ang puhunan kontra Indonesia

By
0 168

Although non-bearing na tinatawag ang magiging laban nga­yong gabi ng Sabado nang PH Lady Spi­kers kontra Indonesia, napakahalaga pa rin ng panalo para sa bansa.

Kahit kapwa pasok na sa quarterfinals ang dalawang team at wala ng pag-asang ma-bump off pa ang top two team na Japan at Thailand sa pool A, napaka-exciting pa rin ng paghaharap ng Indonesia at ­Philippines.

Long-time rival na itinuturing ang Indonesia, at usaping ‘pride’ rin ang nais ilaban ng tropa nina Alyssa Valdez, Jaja Santiago, Mika Reyes at iba pa.

Matapos nga ang naging panalo ng ating koponan kontra Hong­kong, after so many years na hindi tayo nakakatikim ng victory against our Asian rivals, nabuhay ang dugo ng mga Pinoy fan ng volleyball.

And yes, in a way nga daw ay nagulat, kung hindi man natakot ang iba pang mga rival natin dahil alam nilang never na sumuko ang bansa kahit saan.

Good luck ladies!

***

Aliw na aliw naman kami sa tsikahan namin sa aming Viber group kung saan mga member ang ilang sports media men and personality na nasa Asian Games ngayon.

Nagbago na nga ang coverage ng mga regional meet natin dahil napaka-bilis ng pagbibigay ng update, ng mga word of encouragement and inspiration at mga anik-anik na ‘pintas’ among our group ­member.

Hindi nga lang daw nagbago ang kaniya-kaniya pa ring diskarte ng ibang coveror na nagpupunta sa iba’t ibang venue para sa kanilang assigned sport. “As usual, tipid sa allo­wance at minsan abonado pa,” sey ng isang kaibigan.

Dahil diyan, mayroong opisyal na nakantiyawan na kahit pamasahe sa malayong venue, pero dumedma at ‘seen’ ang naging reply hahahaha!

Madaming tsismis din ang umiikot na ‘yung ibang kapamil­ya at kapuso ng ibang mga sports official ay naka-billet sa mamahaling hotel with bonggang food, plus hatid-sundong vehicle service sa mga sports venue pero hindi naman makapag-post kahit sa Facebook dahil mabubuking daw na ‘masahista o assistant’ kuno ni ganitong sports official hahahaha!

At kapag nananalo daw ang isang sport discipline, asahan daw nating biglang magpapa-shopping si ganitong sport official sa mga nabanggit na ‘alalay’.

Some things really never change hahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy