Una sa Balita

Alyssa, Jaja kapit-kamay, Pinay squad unang tagumpay

By
0 688

Jakarta – Ninamnam ng Philippine women’s squad ang tamis ng unang panalo sa pagbabalik nito makalipas ang 36-taong pagkawala sa ginaganap na 18th Asian Games matapos na biguin sa loob ng tatlong set ang Hong Kong 25-18, 25-21, 25-22 sa pool play ng Group A dito ng women’s volleyball sa GOR Bulungan Hall.  

Sinandigan ng national women’s team sina Alyssa Valdez at Jaja Santiago sa pagsungkit ng unang panalo sa ikatlo nitong laban sa torneo upang pagandahin ang tsansa nitong makatuntong sa susunod na labanan.

Nagtipon si Valdez ng kabuuang 14 puntos mula sa 10 kills at apat na ace habang si Santiago ay may walong puntos, da­lawang block at dalawang service ace upang itulak ang koponan sa ika-apat na puwesto sa kabuuang 1-2 panalo-talo kartada.

Una nang nabigo ang Pilipinas sa po­werhouse na Thailand at Japan sa unang da­lawa nitong laro.

“We were sluggish in our past two games,” sabi ni head coach Shaq Delos Santos, na aminadong mahirap kalaban ang powerhouse na Thais at Japanese.

“But everytime we talk, we discuss positive things. We know the capabilities of the team and we know that we can win here. Although we still need to improve, we’re very optimistic that we can pull it through.”

Inaasahan na ang pagtuntong ng Pilipinas sa quarterfinals ng Group A kasama ang Japan, Thailand at Indonesia habang nasa Group B ang China, Korea, Kazakhstan at Vietnam.