Una sa Balita

Alyssa, Gretchen may pa-raffle

0 608

MAGSASAGAWA ang ‘Volleyball Community Gives Back to the Philippines’ (VCGBPH) ng fundraising na ‘Raffle for Heroes’ upang makatulong sa mga frontliner na nakikipaglaban kontra COVID-19.

Ang nasabing organisasyon ay binubuo ng mga volleyball player na sina Gretchen Ho, Charo Soriano, Alyssa Valdez at Dzi Gervacio.

Nagpulong ang grupo nitong Sabado para pag-usapan kung paano makapag-produce ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa medical frontliners na mga humaharap sa coronavirus.

“I read the news everyday about the battles of our doctors, nurses, health workers, and frontliners. And I wanted to help them, to ease their pain, their burden. So I was speaking with Pablo Cabahug about his efforts to produce PPEs in his shop. And he mentioned that they are having difficulty sourcing materials. So I contacted Ate Cha, (Soriano) and said it’s time we revive VCGBPH,” sabi ni volleyball superstar Valdez.

Ipapa-raffle ang mga memorabilia galing sa mga player kasama ang jerseys, training shirts at sapatos kung saan ay P300 ang halaga ng ticket.

Ang mga player na pagkukuhanan ng pa-raffle ay galing sa PSL, PVL at UAAP. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More