Una sa Balita

Alyssa, Creamline gagapang? Mga aksiyon ng PVL sa ABS

0 357

MALAPIT na matapos ang paghihintay ng fans sa pagbabalik ng Premier Volleyball League (PVL) sa pagsipa ng 2019 Open Conference ngayong Linggo (Agosto 11) live mula sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City sa S+A, LIGA, at iWant, tampok ang mga bagong koponan na susubukang agawin ang korona ng defending champion na Creamline Cool Smashers.

Mula sa anim na koponan sa Reinforced Conference, siyam ang maglalaban-laban ngayong Open Conference sa pagbabalik ng Philippine Air Force Lady Jet Spi­kers, na pangungunahan ng mga beteranong sina Wendy Semana at May Ann Pantino.

Agad sasabak sa kanilang unang laro sa harap ng mga naghihiyawang fans ang Lady Jet Spikers kontra sa 2018 PVL Open Conference champion na Creamline Cool Smashers nina Alyssa Valdez at Jia Morado ng 2pm na nais bumawi sa kanilang pagkatalo sa PetroGazz sa unang conference ng taon.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng PVL 2019 Open Conference simula Linggo (Agosto 11) LIVE sa S+A at LIGA, sa high definition gamit ang S+A HD at LIGA HD, online sa iWant, sports.abs-cbn.com, at TFC.tv simula ng 2 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy