Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alyssa bagong kamumuhian ng KathNiel

0 180

Plano sana ni Alyssa Muhlach na sumali sa isang beauty pageant, bagamat may korona na siya noon (Miss Hispanoamericana Philippines 2018).

Pero, dahil hindi niya matanggihan ang maging kontrabida sa teleserye nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, ang ‘2 Good 2 Be True’, kinalimutan muna niya ang pangarap na sumungkit ng panibagong korona.

“I am honored to work with KathNiel. ‘Yan ang sinabi ko sa KathNiel. Na napapanood ko nga sila noon pa.

“Magka-age kasi kami kaya literal na when I come home from school, sila talaga ‘yung pinapanood ko sa TV.

“Naalala ko, kinuwento ko kay Kath, I was actually thinking of joining another pageant this year, pero sabi ko, next time na ang korona, KathNiel muna!” sabi ni Alyssa.

Well, siguradong kamumuhian nga ng mga KathNiel fan si Alyssa, dahil kontrabida nga siya. Pero, hindi naman daw sobrang kontrabida na isusumpa talaga siya.

Well, abangan! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.