Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alyansa sa volleyball kasado

0 49

Nagsama-sama sina Sports Vision Ricky Palou at Tony Boy Liao, ang dating pangulo ng Philippine Superliga na si Ramon “Tats” Suzara at ang tagapagtatag ng Beach Volleyball Republic na si Charo Soriano para mabuo ang isang koalisyon na inaasam na magtalaga ng mga opisyal sa isasagawang halalan sa volleyball ng Pilipinas.

Ito ay matapos itakda ng Philippine Olympic Committee (POC) na pangasiwaan ang isang eleksiyon bilang pagtalima sa ipinag-uutos ng internasyonal na organisasyon na Federation International de Volleyball o FIVB para asikasuhin ang pagbubuo ng isang lehitimong asosasyon sa volleyball sa bansa.

Related Posts

Sinabi ng pangulo ng Sports Vision na si Palou na sumang-ayon silang magkaisa sa pagnanais na maisagawa ang matagal nang inaasam na resolusyon sa nag-aagawang grupo sa liderato at tuluyang pagbabago sa kaganapan at situwasyon ng sports sa bansa.

“Pinag-uusapan natin dito ang tungkol sa pag-iisa ng volleyball at hindi ang mga posisyon,” sabi ng pangulo ng PVL. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.