Una sa Balita

Alyansa ng Hugpong, Lakas inilarga

By
0 415

Pormal na ilalarga ang pagsasanib-puwersa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Ti­ngog Sinirangan Party-list group at Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ang HNP ay ang itinatag na regional party ng anak ni Pangulong  Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Pangungunahan nina Duterte-Carpio, Lakas-CMD president at Leyte congressional candidate Martin Romualdez, maybahay nitong si Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez, kanilang mga kaalyado sa politika at mga sena­torial candidate ang pagpapatibay sa alyansa sa pamamagitan ng pag­lagda sa isang ‘alliance agreement’.
Gaganapin ang okasyon sa Tacloban City Convention Center na kilala rin bilang Tac­loban Astrodome.

“It is just a forma­lity because both parties have already been aligned in principle before. We share the same mission, beliefs, vision and thrusts with Mayor Sara’s Hugpong ng Pagbabago,” pahayag ni Romualdez.

Binanggit ni Romualdez na si Mayor Duterte-Carpio ang guest of ho­nor at keynote spea­ker ng okasyon kasama ang mga senatorial candidate na sinusuportahan ng HNP.
Batay naman kay Rep. Kittilstvedt-Romualdez, first nominee ng Tingog Sinirangan Party-list, iisa ang ha­ngarin ng Lakas-CMD at HNP ni Mayor Sara at ito ay iprayoridad at itaguyod ang interes at kapa­kanan ng samba­yanang Pinoy.

“We always uphold our mandate to serve the people and acknow­ledge our commitment to ensure that sustai­nable economic reforms are implemented and will be felt by ordinary people,” sabi ni Rep. Romualdez na chairperson ng House Committee on Accounts.

Kabilang sa mga ito ang reelectionist na senador na sina Sonny Angara, Cynthia Villar, at Joseph Victor ‘JV’ Ejercito, gayundin siba Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Taguig City Rep. Pia Cayetano, at iba pa.

Pambatong kandidato naman sa Senado ng Lakas-CMD sina dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., na chairman ng partido, ex-Senator Jinggoy Estrada at Dr. Willie Ong.