Una sa Balita

Alvarez, Sotto banggaan sa ‘no-el’ 2019

By ,
0 956

MULING inilutang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang ‘no election scenario’ sa susunod na taon at nakadepende anya kung magkakaroon o hindi matutuloy ang halalan sa magiging prayoridad ng gobyerno.

“Mahirap sagutin. Depende kung paano ‘yung takbo ng ano… kung ano ‘yung gusto nating bigyan ng priority,” pahayag ni Alvarez sa panayam ng media kahapon.

Ipinaliwanag ng lider ng Kamara na posibleng magbago ang takbo ng lahat kapag umarya ang pagbabago sa Saligang Batas.

Aminado si Alvarez na mas magiging madali ang transisyon sa itinutulak na Charter Change kung hindi muna magdaraos ng eleksiyon sa 2019.

Pero kinontra ni Se­nate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pahayag ni Alvarez na posibleng hindi matuloy ang eleksiyon sa susunod na taon.

“It’s difficult because we have to amend the Constitution to do that. Article VI section 8 of the 1987 Constitution,” ani Sotto.
Ang tanong anya rito ay kung handa ang mga mambabatas partikular ang mga senador na amyendahan ang batas.