Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alvarez, PLDT todo sa praktis

0 55

SABAK na sa 14-day bubble camp si Maria Shola May Alvarez at PLDT Home Fibr sa Splendido Hotel sa Alfonso, Tagaytay sa paghahanda para sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na planong buksan sa June.

Nagsimula ang training camp ng Power Hitters nito pang May 10 at inaasahang matatapos sa sa May 22 na binasasan ng GAB.

Ayon Linggo kay coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb, malaking tulong ang camp para sa nalalapit na Open Conference lalo pa’t dalawang araw lang nakapag-ensayo ang koponan sa Paco Arena sa Maynila bago nailagay ang NCR-plus sa Enhanced Community Quarantine.

“Malaking bagay ito kasi matagal na kaming hindi nagpa-practice. Nag-practice na nga kami, dalawang araw nga lang dahil nag-ECQ,” aniya. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.