Una sa Balita

Alvarez, DBM sec tandem sa ₱75B pork

0 735

TUMPAK si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa obserbasyon nito na ang P75 bilyon insertion sa National Expenditure Program (NEP) ay pakana at bunga ng pagsasabwatan diumano ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) at ng dating lide­rato ng Kamara na nasa ilalim ­naman ng pamumuno ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ito ang binigyang-diin kahapon ni House committee on appropriations Chairman at Camarines Sur Rep. ­Rolando Andaya Jr.

“I find it interesting how the DBM can maneuver to restore its P75-billion insertion in the final print of the 2019 General Appropriations Bill, which has already been approved by both the Senate and the House of Representatives,” pahayag ni Andaya.

May payo rin ang House leader kay dating House appropriations Chairman Karlo Nograles, na ngayon ay miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mistulang nagiging tagapagsalita umano ng DBM si Nograles, ayon kay Andaya.

“My unsolicited advice to Cabinet Secretary Karlo Nograles, the new spokesperson of DBM Sec. Ben Diokno: Be careful with the crafting of the veto message for it will just lead back to where it all started. The public never forgets that you were part of the previous House leadership as chairman of the Appropriations Committee,” hirit ni Andaya.

Ipinaliwanag ni Andaya na ni-­realign ng Senado at Kamara ang P75B insertion ng DBM.

Batid aniya nila na ang source o pinanggalingan ng pondo ay “pork.”

Ipinasak diumano ng DBM ang mga proyektong pang-imprastruktura dakong alas-kuwatro ng madaling-araw noong Hulyo 22, 2018.

“I do not know where Sec. Diokno gets the gall to call the 2019 NEP, with DBM’s P75-billion insertion, as the Pre­sident’s Budget. The President is not part of the conspiracy between the DBM and the previous House leadership. It will be a great disservice and disloyalty for few Cabinet members to drag the President into this mess,” pagdidiin ni Andaya.

Iginiit pa nito na tungkulin ng Kongreso na busisiin ang NEP dahil parte ito ng kanilang budget authorization function.

Ngayong naisaayos na ng ­Kongreso ang P75B insertion ay tila pumo­porma na naman umano si ­Diokno para mamaniobra ito.
Pero binigyang-diin ni Andaya na hindi ito papayag at gagawin ang nararapat para ito ay maharangan.(Aries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy