Una sa Balita

Alvarez 4 beses pinahalik sa lona si Fielding; ika-3 korona dinale

By
0 591

May apat na beses pinahalik sa lona bago tinuluyan sa ikatlong round ni Canelo Alvarez ng Mexico si Rocky Fielding ng Bri­tain kahapon upang masakote ang ika-3 niyang world professional title, World Boxing Association super middleweight sa pagkakataong ito, sa Madison Square Garden Resort sa New York City.

Kasunod ang knockout win sa maigsi pero malakas na fiesta Garden party ng Mexican sa close decision victory kay Gennady Golovkin ng Kazakhstan noong Setyembre sa Las Vegas, Nevada upang madale ang WBA at World Boxing Council middleweight belts.

Isinisigaw na ng mayorya sa 20,112 na mga nagmiron ang pangalan ni Alvarez, “Canelo! Canelo!” bago pa siya umentra ng MSG ring sa unang senaryo tungo sa pag-landing niya ng 73 umbag, 35 sa katawan ng lumambot na Briton.
“That was the plan in the gym, to hit the body and then move up, and that’s the result,” bulalas ni Alvarez sa pamamagitan ng interpreter. “You see the result here.”

Ang 30-taong-gulang na boksingero ang pangsiyam na ­Mehikanong nakakopo ng tatlong pandaigdigang titulo.

Malamang na sunod niyang akyat sa ruwedang parisukat ang pakikipag-upakan sa 160-lb class, sa ikatlong pagkakataon laban kay Golovkin sa Las Vegas ulit sa darating na Mayo 2019.

“Canelo will fight whoever is the best, no doubt about it,” bigas ng promoter niyang Oscar dela Hoya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More