Una sa Balita

Altas sumampa sa Top Four

By
0 115

Mga laro ngayon: The Arena, San Juan)

12:00 nn. — San Beda vs St. Benilde (srs)
2:00 p.m. — EAC vs Mapua (srs)
4:00 p.m. — LPU vs Jose Rizal (srs)

Sumampa na sa top four ang Perpetual Help matapos mangalabaw sa pangalawang pagkakataon si Nigerian import Bright Akhuetie kahapon sa 92nd NCAA senior men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Kumayod si 6-foot-8 Akhuetie ng 20 points at 20 rebounds upang tulungan ang Altas na pagpagin ang San Sebastian College Stags, 76-61 at itarak ang 2-1 karta.

“I just try my best to help the team in the best way I can,” ani Akhuetie na hindi pa nakakatikim ng talo sapul ng maglaro sa pangalawang laban ng Altas.

Nabigo sa unang laban ang Perpetual kung saan, wala si Akhuetie dahil may injury ito.

Kumana si Akhuetie ng 19 points at walong rebounds sa 58-50 panalo nila kontra Jose Rizal University.

Tangan ng Stags ang dalawang puntos na abante, 21-19 sa pagtatapos ng first canto pero nagsimulang ipakita ni Akhuetie ang kanyang lakas kaya naagaw nila ang manibela papasok ng third pe­riod, 37-44.

Nirehistro ng Altas ang season-high 59 boards laban sa 41 ng Stags.

“We lost to them in Filoil because we were beaten in the reboun­ding department,” sabi ni Perpetual Help coach Jimwell Gican. “I’m happy that the team responded by putting extra effort in getting those rebounds.”

Tumipa si rookie Regille Ilagan ng career-high 27 points, anim ay galing sa three-point area.

Nakahanda naman ang Altas sa susunod nilang laro kontra San Beda.

“We’re looking forward to that match against San Beda, one of the best teams in the league today,” ani Gican.

Ang iskor: (First Game)

Perpetual Help 76– Akhuetie 20, Singontiko 12, Ilagan 11, Pido 8, Eze 7, Hao 6, Coronel 4, Dagangon 4, Dizon 4, Cabiltes 0, Yuhico 0

San Sebastian 61– Ilagan 27, Capobres 9, Costelo 5, Calisaan 4, Baetiong 3, Bulanadi 3, Da­vid 3, Serajosef 3, Fabian 2, Valdez 2, Gayosa 0, Mercado 0, Quipse 0, Calma 0

Quarterscores: 19-21; 44-37; 60-54; 76-61.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy