Una sa Balita

ALTAS PINIGIL NG PIRATES

By
0 1

Kahit out na sa Season 92, ganado pa rin maglaro ang Lyceum Pirates.

Nagsalpak si Reymar Caduyac ng 15 points para tulungan ang Pirates na pataubin ang Perpetual Help Altas, 64-61 kahapon sa NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Tangan ng Lyceum ang 6-11 card, may isa pa silang laro pero kahit manalo ay hindi na rin aabot sa top four pagkatapos ng 18-game elimination round.

Napigil ang Altas sa 11-5 pero hawak pa rin ang No. 3 sa standings at sigurado sa playoff.

May tsansa ang Perpetual sa incentive na twice-to-beat kung maipapanalo nila ang huling dalawang laro.

Tumikada si Caduyac ng siyam na puntos sa fourth canto para ilista ang 55-49 abante ng Lyceum 5 minutes pa sa orasan.

Nagtulong sina Nigerian import Bright Akhuetie at Keith Pido para itabla ang Altas, 66-all 1:16 na lang pero napuwersa sila sa turnovers kaya naitakas ng Pirates ang panalo.

Nag-ambag si Mike Nzeusseu ng 11 puntos para sa mga taga-Intramuros.

Namuno sa opensa ng Altas si Akhuetie sa game-high 21 markers.

Sinuyod dito ni Lervin Flores (26) ng Arellano ang depensa ni Abdoulad Poutouochi (9) ng JRU. Pinatahimik ng Chiefs ang Bombers 79-68 para dumikit sa twice-to-beat bonus sa NCAA 92. (Patrick Adalin)
Sinuyod dito ni Lervin Flores (26) ng Arellano ang
depensa ni Abdoulad Poutouochi (9) ng JRU. Pinatahimik
ng Chiefs ang Bombers 79-68 para dumikit sa
twice-to-beat bonus sa NCAA 92. (Patrick Adalin)

Sa pangalawang laro, pinatahimik ng Arellano University Chiefs ang Jose Rizal University Heavy Bombers 79-68.

Nagtulong sina Kent Salado at Jio Jalalon para itaguyod ang Arellano sa 13-3 win-loss slate at solohin ang liderato.

Bumira si Salado ng 22 points, may 18 points, 11 assists at six rebounds si Jalalon para sa Chiefs na lumalapit sa twice-to-beat advantage.