Una sa Balita

Altas durog kay Tankoua, Beda; 3rd straight win tinarak ng Mapua

0 222

KUMAYOD si Donald Tankoua ng 15 points, anim na blocks at dalawang steals upang tulungan ang defending­ champion San Beda University Red Lions­ na tambakan ang Perpetual Help Altas, 102-56, sa 95th NCAA basketball Tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City kahapon.

Dinurog ng Red Lions ang Las Piñas-based squad Altas nang itarak ang 46 puntos na bentahe kaya naman nasolo nila ang top spot sakmal ang 6-0 karta.
Bukod kay Tankoua, apat na San Beda players pa ang umiskor ng double-digits.

Tumikada si AC Soberano ng 15 markers habang kumana si Evan Nelle ng 12 puntos para sa Red Lions.

“Credit to my boys for the win. They wanted to prove something,” ani SBU head coach Boyet Fernandez. “AC made the most of his threes in the fourth. Hopefully, tuloy-tuloy na rin yung kumpyansa niya,”

Nirehistro ni Edgar Charcos ang 13 puntos para sa Altas na nalasap ang pang limang talo sa pitong laro.

Samantala, tinarak ng Mapua Cardinals ang three-game winning streak matapos nilang payukuin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 83-63 sa pangalawang laro.

Kumana si Laurenz Victoria ng 24 markers para ilista ng Cardinals ang 3-5 card.

(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy