Una sa Balita

Altas chesser Anastacio kampeon sa Boys U-30

0 249

IPINAKITA ni John Marx Anastacio ang kanyang tikas matapos sikwatin ang gold medal sa Under-30 Boys rapid ng 20th ASEAN + Age Group Chess Championships 2019 na ginanap sa Golde­n Mandalay Hotel sa Myanmar, Lunes nang gabi.

Kinalos ni Anastacio, first year College BS Accountancy student ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD,) ang kababayang si Jhoemar Mendiogarin sa seventh at final round upang ilista ang kabuuang anim na puntos sa event na may seven round Swiss system.

Kaparehong puntos ni Anastacio si Mendiogarin subalit matapos ipatupad ang tiebreak points ay tinanghal na kampeon ang Altas player. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy