Una sa Balita

Alphonse Areola, Proud to be Pinoy; pag-iyak ni ‘Buboy’ feel na feel!

By
0 1,273

MARAMI ngang football fan na mga Pinoy ang nagbubunyi din sa na­ging tagumpay ng France sa pagiging kampeon nila sa katatapos lang na 2018 World Cup final laban sa Croatia.

Kahit naman kami ay feeling super winner dahil ‘fan’ din kami ng Pinoy goalkeeper ng France team na si Alphonse Areola.

Parehong Pinoy ang parents ng 25-year old, 6’5” hunk player na pinag-uusapan hindi lang dahil mahusay itong goalkeeper kundi meron itong mala-artistang height and appeal.

Sa isang panayam na napanuod namin, i­binahagi din ni Alphonse sa mga Pinoy fan ang panalo nila. Nakaka-proud din kaya.

Hay, sa totoo lang, meron pang ibang kila­lang player sa lara­ngang ito na may mga dugong Pinoy playing for the national team of their countries, pero iba talaga si Alphonse.

Makapunta nga sa France hahahaha!

***

Mas gusto naming i-congratulate si Buboy Fernandez sa naging tagumpay ni Sen. Manny Pacquiao kontra Lucas Matthysee.

Pinatunayan kasi ni Fernandez na hindi siya basta assistant lang ni Pacquiao for the longest time, kundi isa siyang very competent trainer at ngayo’y coach na ng boxing champion.

Since day one ay magkasama na sila at kahit walang pormal trai­ning ay tinulungan siya ni Manny na mai-angat ang kanyang buhay.

Tandang-tanda pa namin noon ang minsang naging panayam namin kay Fernandez (na may ugat sa Po­langui, Albay in Bicol) after nilang lumuwas ng Manila from General Santos City.

Lahat daw halos ng klase ng trabaho ay kanila ng napagdaa­nan ni Manny, kasama ang kapatid nitong si Bobby na siya nitong unang kaibigan. Mula sa pagiging janitor, labandero at pagiging mananahi, nagtulungan sila sa kung nasaan man sila ngayon.

Minsan na ding lumabas sa pelikula si Buboy, pero dahil ‘greatest friend’ siya ni Pacman, never niya itong iniwan kahit pa may isang beses na naranasan niyang masampal nito ng dahil sa isang mainit na gatas na dapat ay mainom ni Manny on time.

How time really flies sa klase ng relasyon nila at sa mga dagok na kanilang pinagdaanan.

Kaya naman feel na feel namin ang pag-iyak ni Fernandez habang nakaluhod sa isang side ng ring matapos manalo si Manny nung Linggo.

Pambihirang ta­gum­­pay at tunay namang nakaka-proud talaga! Imagine, kung hindi nga sila binitbit ni Manny mula sa GenSan ay posible nga namang nalulong na sila ni Bobby sa alak, sugal o droga o baka nga namatay na sila?

Congratulations! Mabuhay ka Buboy Fernandez! Mabuhay ka Manny Pacquiao!