Una sa Balita

‘Alpha’ ni Mendoza anti-Duterte ang tema kaya tsugi sa MMFF

0 417

abante-i-know-better-jun-nardoNabahiran na naman ng kontro­bersiya ang pagpili sa 8 official entries para sa 2018 Metro Manila Film Festival. Sangkot dito ang comedy-horror movie na Otlum na ididirek ni Tan na huling inanunsyo bilang kasali sa December mo­viefest, at ang pelikulang Alpha na dinirek ni Brilliante Mendoza.

Ayon sa mga source, unang pinaboran ng Selection Committee na isama sa listahan ang Alpha. Pero hindi ito pinaboran ng namumuno sa festival.­ Rason diumano ng ayaw sa Mendoza movie ay anti-President Duterte ang tema nito.

Ang balita pa eh, nasigawan pa ang head ng Selection Committee na isang national artist, si Bien­venido Lumbera. Kaya higit na nanaig ang entry na Otlum kesa sa Alpha.

Bukod-tanging ang line producer at manager ni Allen Dizon ang nagbulalas ng kanyang saloobin sa nangyari na isinapubliko niya sa kanyang Facebook.

“Para sa may Pakialam…the SAD part walang may gustong Magsalita…

“Take Note: Ang tanggalan na naganap ay bago sila mag anunsyo ng Final Four not After!!!

“MAY DESISYON NA…pero may pinatanggal hindi raw ito puwede for some reason…Kaya nga may SELECTION COMMITTEE na independent body at tunay na mga kagalang-galang na mga miyembro. Wala ba silang TIWALA sa desisyon ng SELECTION COMMITTEE? Sana hindi pulitika.

“NASAAN ANG FAIRNESS??? Bakit ganun??? Hindi lang ako ang nakakaalam nito kaya dapat may magsalita. MISMO from insider. Sana magsalita ang selection committee para maliwanagan ang hindi nakakalam.

“Kung Mali dapat maitama at maipaliwanag man lamang. SANA MAY MANINDIGAN. #respeto #unfair #needexplanation #sanamaypagbabago #MMFF2018,” unang post ni Dennis.

Ang huling post ni Evangelista ay, “Na Trauma ang National Artist sobrang kawalan ng RESPETO!!!”

Sa history ng Metro Manila Film Festival, hindi na bago ang ganitong isyu pagdating sa pilian ng entries. The last time na nagkaroon ng isyu ay nang ma-disqualify ang pelikulang Honor Thy Father na hindi pinayagan ng Executive Committee na mapasama sa listahan ng nominees sa Best Picture dahil nagkaroon na raw ito ng public screening bago pa man ipalabas. Nagkaroon pa nga ng imbestigasyon sa Kongreso kaugnay ng isyu.

Nagkaroon ng pagbabago sa members ng committees na bahagi ng festival. But it died like a natural death gaya ng mga nagdaang issues.

Sa ngayon, maingay pa ang isyu pero kapag naipalabas na ang mga pelikula at nanalo na ng awards, limot na naman ang kontrober­siya dahil mauulit at mauulit na naman ang mga issue na parang sakit na hindi masolusyunan, huh!