Una sa Balita

Alora kumpiyansa

By
0 4

Gaya ni Kirstie Elaine Alora, positibo rin ang kanyang coach na si Ro­berto Cruz sa tsansa ng Filipina taekwondo jin na huling pag-asa ng Pili­pinas para madagdagan ang silver ni Hidilyn Diaz sa weightlifting women’s 53-kilogram sa matatapos na bukas na 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro City, Brazil.

Sasagupain ngayong alas-8:30 ng umaga (9:30 ng gabi, Manila time) ng 26-year-old at Biñan City native sa kanyang debut fight si 2008 Beijing Olympics gold meda­list at 2007 World Cham­pionships gold winner Maria Espinoza ng Me­xico.

Hindi natitinag si Cruz.

Abante Hiring – IT dep

“They’ve fought once, right after the Beijing Olym­pics, and the Mexican won, 2-1. Elaine can beat this Mexican,” wika niya.

Para makasilat o makapaghimagsik si Alo­ra, giniit ng bemedalled coach na dapat sandalan ni Alora ang kanyang bilis at liksi.

“Elaine has been trai­ning well even while we were in Manila and since we arrived here in Rio almost a month ago,” hirit ng former five-time finweight king sa Southeast Asian Games.

Si Cruz ang pinakama­tagumpay na Filipino taekwondo jin, wagi ng three silver at two bronze medals sa World Cham­pionships, dalawang bronzes sa World Cup at gold, silver at bronze sa Asian Championships.

Kaya may alam siya sa labanan.

“Kaya ni Elaine,” pana­pos ni Cruz na tahimik na nagdiwang noong Hwebes ng kanyang 44th birthday.

Dagdag-lakas at ins­pirasyon pa kay Alora ang pagdating sa araw ng laban niya ng kanyang mga OFW na mga magulang buhat sa Alaska at ate na galing Maynila.