Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Almost Paradise’ matindi ang wakas’ Christian Kane pamilya ang turing sa mga artistang Pinoy

0 95

Season 2 ang agad na hirit ng Hollywood actor na si Christian Kane para sa ‘Almost Paradise’ na prodyus ng ABS-CBN at Electric Entertainment.

Ayon kay ABS-CBN International Production and Co-Production Division Head Ruel Bayani, layunin talaga ng ABS-CBN sa proyektong ito na ipakita sa mundo ang kalidad ng gawang Pinoy.

“Ito ay malaking pagkakataon para maipagmalaki at ipayakap sa mundo ang ating talento at ating kakayahan,” sabi niya.

Hindi nga maubos ang papuri ni Christian Kane sa mga Pilipinong nakatrabaho niya.

Si Christian ay nakilala sa mga pelikula, programang “Angel,” “Leverage,” “The Librarians,” “Just Married,” “Taxi”.

“I was treated more like family there than I have ever been my entire life. It just felt like home. I have some of the best people around me. They welcomed me in and so I got to concentrate on the character and not being away from home,” sambit pa ni Christian.

Abot tenga, at siyempre gusto pa uli makatrabaho ng mga Pinoy na tulad n ina Nonie Buencamino, Art Acuña, Samantha Richelle, Ces Quesada, Angeli Bayani, pati na ang mga guest star na sina Zsa Zsa Padilla, Sophia Reola, Richard Yap, Raymond Bagatsing, Noel Trinidad, Lotlot de Leon, Ryan Eigenmann, Ketchup Eusebio si Christian.

Anyway, tulad ng mga naunang episode, lubos na pinaghandaan at ginalingan ng Filipino cast at crew ang mga susunod na mapapanood sa kwento ng dating U.S. secret agent na si Alex Walker (Kane) na bumalik sa pagtutugis sa mga kriminal matapos magretiro sa mala-paraisong isla ng Cebu.

Tunay na dugo’t pawis ang kanilang ibinigay upang makagawa ng programang maipagmamalaki ng bawat Pilipino at magpapakita na kayang-kaya nating makipagsabayan sa Hollywood.

Samantala, lalo pang kaabang-abang ang mga susunod na pangyayari sa “Almost Paradise”.

Magiging kapanapanabik ang finale episode dahil sa aksyon at dramang hatid nito sa gagawing pagsagip ni Alex sa kanyang anak na malalagay ang buhay sa alanganin dahil sa isang kasamahang nagbabalak ng paghihiganti.  

Huwag palampasin ang huling dalawang episode ng “Almost Paradise” tuwing Linggo, 8:45 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.