Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Almazan ayaw mag-Japayuki

0 375

BUKOD kay Thirdy Ravena at Calvin Abueva, binulgar ni Raymond Almazan na inalok din siyang maglaro sa Japan.

Sa lumabas na report, base na rin sa pahayag ng 30-anyos na Meralco Bolts player, gaya nina 6-foot-2 swingman Thirdy at Calvin ng Phoenix ay niligawan din siya at nakatanggap ng sulat bilang imbitasyon na sumali sa B.League sa Japan.

Idinaan umano ito sa isang tulay at sinubukang ayain kung interesado ito.

Imbes na sunggaban, tinanggihan ito ng 6-foot-8 tubong Bataan kung saan PBA ang kanyang prayoridad.

Sa ngayon ay ang dating Ateneo Blue Eagles star player na si Thirdy, na unang Asian import, ang nakatakdang maglaro sa professional Japanese Basketball League team na SAN-En NeoPhoenix. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.