Una sa Balita

Alma inalok ng bahay, para maging other woman

0 1,504

Sa pilot espisode ng Showbiz Pa More, ang online show ng Abante Tonite hosted by yours truly, Rommel Placente, and Rodel Fernando, pasabog ang mga revelation sa buhay ng dating beauty queen/actress.

Inamin ni 1994 Bb. Pilipinas International Alma Concepcion sa Showbiz Pa More na nagkaroon siya ng mga indecent proposal. Ilan sa mga inalok ang bahay, lupa at sasakyan. Alin man dito ay walang tinanggap ang dating beauty queen.

Kuwento niya, “Hindi ko naman sineryoso. Karamihan naman mga married man. Ayoko namang maging number 2.”
Hindi naman daw harapan ang pagtanggi ni Alma, sa tuwing aalukin daw siya ay bungisngis ang sinasagot niya senyales na hindi niya sineser­yoso ang mga ito.

Kahit naman hanggang ngayon ay may mga nanliligaw sa beauty queen actress.

“Nakikipag-date naman ako pero sa edad kong ito dapat serious na talaga.”

Mapapanood nang buong ang interview, bisitahin lamang website na www.tnt.abante.com.ph, Facebook page Abante Tonite at Abante News Online at sa Youtube channel Abante Tonite.