Una sa Balita

AllBank-Villar nilamon na ang Plaridel Rural Bank

By
0 458

Pinalalago ng pamil­ya ni Senator Cynthia Villar ang kanilang bangkong AllBank Inc. na isang thrift bank.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, aprubado na ng Securities and Exchange Commission ang pagbili ng Allbank ng Rural Bank of Plaridel Inc. at iaabsorb na ito ng bangko ng mga Villar.

Sabi ni BSP sector-in-charge Arifa A. Ala, noon pang Disyembre 28, 2018 epektibo ang paglamon ng Allbank sa Rural bank of Plaridel.

Ayon sa datos ng BSP, may 15 sangay ang Allbank at ang head office nito ay nasa WackWack, Mandaluyong.

Karamihan sa mga branches ay nasa deve­lopments ng mga Villar tulad ng Star Mall, Vista Mall, at All Home.

Sa Circular letter No. 2019-013 na pinir­mahan noong Pebrero 12, tinimbre ni Ala ang merger ng AllBank at Rural Bank of Plaridel sa lahat ng mga financial institutions na saklaw­ ng BSP. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy