Una sa Balita

All-Star Week para kay Kobe

0 360

SI Kobe Bryant pa rin ang magiging sentro ng 69th All-Star Weekend 2020 sa Chicago sa Feb. 14-16.

Sa Biyernes ay pormal na ihahayag si Kobe na isa sa finalists ng Basketball Hall of Fame induction class ngayong taon, inaasahang makakasama rin ang kapwa first time nominees na sina Tim Duncan at Kevin Garnett.

Hindi na sikreto na papunta sa Hall ang career ni Kobe, maging nina Duncan at Garnett.

Ang All-Star Weekend ang unang mala­king pagtitipon ng NBA sapul nang mamatay si Bryant, kasama ng 13-anyos na anak na si Gianna at pitong iba pa sa helicopter crash noong Jan. 26 sa Calabasas, California.

Ilang araw matapos ang trahedya, nag-meeting sa Dallas ang Hall of Fame committee para i-finalize ang mga kandidatong ihahayag sa Chicago. Maya’t maya ay napag-uusapan si Kobe, bawat isa sa meeting ay may kuwento tungkol sa dating Lakers star na namatay sa edad 41.

“I think every pla­yer, anyone who’s been in the game was incredibly affected by the loss of Kobe,” ani USA Basketball managing director Jerry Colangelo na nasa meeting din.

Gagamitin ng team ni Giannis Anteto­kounmpo ang No. 24 bilang tribute sa numero ni Kobe sa second half ng NBA career. Ang team ni LeBron James ay No. 2 bilang pagsaludo sa jersey number ni Gianna. Sa Rising Stars game ng Biyernes, sa All-Star Saturday events at sa mismong laro ay maglalagay ang participants ng patch na may siyam na stars para sa lahat ng biktima ng crash. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More