Una sa Balita

Alkhaldi, 4 pa lalangoy sa World Cup

0 322

LIMANG pambansang swimmer na nakatakdang sumabak sa iho-host ng Pilipinas na 2019 Southeast Asian Games ang nakatakda munang bumanat sa FINA Swimming World Cup sa Doha, Qatar Nobyembre 7-9.

Pangungunahan ni Olympian Jasmine Alkhaldi ang kampanya ng pambansang delegasyon sa Hamad Aquatic Center kung saan lalangoy ito sa kanyang mga paboritong event at sasabakan din sa SEA Games event na 50m Free, 100m Free, 50m Back, 100m Back, 50m Fly at 100m Fly.

Makakasama ni Alkhaldi sina Joy Rodgers, Thanya Angelyn Dela Cruz, Miguel Barreto at Rian Marco Tirol.

Si Rodgers ay sasabak sa 50m at 100m Breast events habang si Dela Cruz at Tirol ay nakalista sa Breast event na 50m, 100m at 200m.

Si Barreto ay makikipag-agawan ng medalya sa 200m Free, 400m Free, 1500m Free at 200m Fly events.

Unang sasabak sa torneo sina Barreto sa 400m Free, Dela Cruz sa 200m Breast, Tirol sa 100m Breast, at Alkhaldi sa 50m Back at 50m Free event. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy