Una sa Balita

Aljur walang ‘K’ maging hurado sa ‘Bidaman’

0 737

“What is he doing there?” ang buod naman ng sunod-sunod na pamimintas sa isang portion ng It’s Showtime kung saan pinaupong judge si Aljur Abrenica, kasama nina Direk Cathy Garcia Molina at Denise Laurel para sa Bidaman.

Sa naturang kontes daw kasi ay merong showcase ng acting skills (from comedy to drama etc..) na ipinapakita ang mga guwapong kalahok na huhusgahan nga ng mga hurado.

Kuwestiyunable para sa mga nakapanood ang presence ni Aljur na tinatanong ang kredibilidad at kaalaman sa naturang aspeto.

Gusto naming maawa sa hunk actor pero sana ay mas magsilbing challenge na lang ‘yun sa kanya dahil kahit pala nasa bakuran na siya ng ABS-CBN eh “ham actor” pa rin pala ang tingin sa kanya ng marami.

‘Showtime Indonesia’ malaking pressure sa ABS-CBN

Nagsimula na nga nu’ng Lunes ang pag-ere ng It’s Showtime sa Indonesia na personal na sinupervise ni Direk Bobet Vidanes, kasama pa sina Teddy Corpus at Jugs Zulueta.

Mataas ang expectations ng Indonesian audience sa mga kakaibang gimik at saya na dala ng It’s Showtime at dahil swak na swak ayon sa kanilang market research ang “fun and entertainment” ng show, kaya hindi raw nagdalawang-isip ang mga producer nito na bilhin ang franchise ng nasabing show para sa Indonesian audience.

Siyempre dagdag pressure naman ‘yun sa It’s Showtime production natin kaya raw biglang nagkaroon ng isa pang brainstormers team ang show para lang mag-isip ng bago o mag-recycle (yes, they love recycling) ng mga portions sa prog­rama.

Gretchen kulang sa atensiyon

Nakakatawa pala ang isa sa mga behind the scenes reaction ni Gretchen Barretto matapos itong umapir sa show nina Mareng Ogie Diaz at MJ Felipe sa DZMM last weekend.

Habang puring-puri raw ng mga nakarinig at nakapanood ang pak na pak na interbyuhan nila sa mga isyu mula kay Kris Aquino, sa Falcis brothers hanggang kina Marjorie Barretto, Kier Legaspi at iba pa, talaga raw nagawa pa ni La Greta na magtanong kung gaano kadami ang nag-tweet, nag-react o nag-text sa naturang guesting niya.

Well, kaila­ngan nga sigurong alamin ni La Greta ang feedback sa ginawa niya dahil mukha namang atensiyon din ang kanyang hanap.

Hindi namin napanood ang naturang guesting ng kontro­bersyal na aktres, pero marami ang nagsasabing “matapang at tatak-Greta” na naghahamon ng “war” daw talaga ang peg nito.

No wonder, need niyang malaman kung gaano karami ang nakanood at nag-react dito!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy