Una sa Balita

Aljur sinuntok ng anak ni Robin

0 941

Nasuntok ng ilang beses ng anak ni Robin Padilla ang mister na si Aljur Abrenica habang yakap-yakap siya nito sa ospital. Nag-post ang aktres ng video nilang dalawa ni Aljur sa ­kanyang Instagram habang magkayakap sila.

Naka-hospital robe ang aktres para sa anumang oras na pagdi-deliver niya sa kanyang ikalawang anak. Throwback ang nasabing lara­wan dahil may ilang araw na mula nang makapanganak ito.

Nais lang ­niyang ibahagi sa mga netizen kung paano nakatulong ang kanyang asawa para mas mapadali ang kanyang pa­nganganak.

Sa caption, sinabi ng aktres na hinilingan niyang kumanta sa kanya si Aljur para maibsan ang pinagdadaanang labor pain. Nakagaan ng pakiramdam para sa aktres ang boses ni Aljur na noon ay kumanta ng “Stand By Me”.

“Alas was in the other room watching his favo­rite Disney movie Coco while I was in labor with his dad and my family in the other. I asked my husband to sing for me because I found it soothing to hear his voice up until reached 9cm and my water broke,” sabi niya.

Ayon pa sa aktres, ­nasuntok niya nang ilang beses si Aljur dahil sa ­nararamdamang sakit.

“Then I think punching him by then lol. Masakit.” (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy