Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aljur gabi-gabing lasing, sinaktan ang sarili

0 155

Tapos na ang boksing kina Kylie Padilla, Aljur Abrenica. Ito ay base na rin sa pahayag sa akin ng aktor nang makatsikahan namin siya sa set ng pelikulang The Revelation.

Ayon kay Aljur, maayos na ang samahan nila ni Kylie at pinagtatawanan na lang nila ang kontrobersya sa kanila.

Ayaw nang balikan ni Aljur ang mga problemang nangyari sa kanila ni Kylie. Mas importante sa ngayon ay maging panatag ang kanilang samahan para sa kanilang mga anak.

Anyway, psychotic ang role ni Aljur sa nasabing movie. Naka-relate raw siya sa role na malalim ang depresyong pinagdaanan sa kuwento.

Pero paglilinaw niya hindi siya naging bayolente sa iba o nakapatay ng tao. Ang pananakit niya ay sa kanyang sarili, gaya na lamang nang pagsuntok sa pader sa galit na nararamdaman.

Isa pang hinding-hindi makakalimutan ni Aljur, na sa loob ng walong buwan gabi-gabi siyang umiinom, at nakakatulog na lang dahil sa problema at depresyon.

Napangiti lang si Aljur nang mausisa namin ito tungkol sa kanyang lovelife. Binanggit namin sa kanya si AJ Raval at muli syang napangiti pero hindi ito nagsalita.

Pahapyaw ay parang umamin na rin ang aktor sa relasyon sa sexy star.

Feeling namin isa sa mga araw na darating ay ilalantad na rin ni Aljur ang relasyon nila.

Reyna ng Vivamax todo lantad ng wetpaks

Sa halip na makaramdaman ng pagkailang o kaya ay magsisi, natawa pa si Angeli Khang sa paglabas ng kanyang puwet sa isang eksena sa lalabas na movie na “Pusoy” na pinagbibidahan din nina Baron Geisler, Janelle Tee, Vince Rillon.

Sa panayam namin sa Viva sexy actress, pinagmalaki pa niya ang kauna-unahang paglalantad niya ng kanyang puwet sa pelikula.

Habang kinukuwento niya sa amin sa interview namin sa kanya sa ‘Abantelliling’, ang itsura ng kanyang puwet sa kamera habang pinapanood niya, aliw na aliw pa siya.

Sabi pa niya, buung-buo raw na lumabas ang puwet niya sa kamera, na first time niyang ginawa.

Paliwanag niya, dapat lang daw na yakapin ang lahat ng desisyon niya sa trabaho at huwag magdalawang-isip.

Kaya hindi mahirap sa kanya ang maghubad at kailanman ay hindi nakaramdam ng pagsisisi.

Confident daw siya sa kanyang puwet kaya walang alinlangan niya itong ipinakita.

Anyway, si Angeli nga ang sinasabing vivamax queen dahil sa tagumpay ng pelikula niya.

Tibo ka gurl? Jela mas natatakam sa babae

Nagdududa na ako sa sexual preference ni Jela Cuenca, lalo na nang sabihin niyang may attraction sa kanya ang mga kapwa niya babae.

Nagbiro si Jela sa interview namin sa kanya mas nag-enjoy at kampante siya sa love scene sa babae.

Binahagi kasi niyang nainis siya kay Vince Rillon na co-star niya sa ‘Pusoy’ dahil biniro siya nitong may matindi silang kissing scene.

Ayaw ni Jela na binibiro siya, lalo at hindi naman daw totoo.

Napunta ang usapan tungkol sa preference niya sa love scene sa babae at lalake. Naibahagi ni Jela na sa mga kaibigan niyang babae ay wala siyang bilib sa boyfriend ng mga ito.

Mas naa-attract pa raw siya sa ganda ng mga babae. Mas kakaiba raw ang dating ng mga babae sa kanya.

Binanggit din niya na nagkaroon siya ng boyfriend na nadiskubre niyang bading pala.

Leave A Reply

Your email address will not be published.