Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alister babu sa DLSU

0 248

Isang taon lang ang tinagal ni volleybelle Alister Borabo sa De La Salle University nang mapabalitang umalis na ito sa Lady Spikers at sumanib na sa isang college team sa California.

Nabatid na napilitan na lang na ituloy ni Borabo ang pag-aaral sa Tate dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umaarangkada ang mga palaro dulot ng pandemic.

“I decided it was the better choice to continue my studies and play volleyball in the US,” pahayag ng 5-foot-10 outside hitter na na-recruit ng DLSU noong 2019 para maglaro sa UAAP Season 82.

Bagaman sandali lang ang panahong ginugol ni Alister sa Taft-based squad team ay masaya pa rin ito dahil nabigyan siya ng pagkakataong ibandera ang kanyang green at white shirt.

“I’m forever grateful for the opportunities DLSU gave me and will always hold the experience dear to my heart,” aniya. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.