Una sa Balita

Alinsunurin tinapik na PH men’s volley coach

By
0 467

Inanunsyo ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. na si National University men’s indoor volleyball coach Dante Alinsunurin na ang magiging PH national men’s at under 23 team coach para sa 30th Southeast Asian Games at iba pang 2019 international tournaments.

Pinaha­yag ng LVPI ang bagay sa unang araw ng national team tyrouts, Sabado, sa University of the East Gym, Manila.

Kilalang mahusay si Alinsunurin dahil na rin sa mga titulo sa UAAP para sa NL Bulldogs na naupo sa trono noong 2012-2013, 2013-2014 at 2017-2018 at nabigyan ng gold medal ang Team Pilipinas-NU sa 2018 ASEAN University Games.

Dinaluhan nina Ish Polvorosa, Peter Torres, Kim Malabu­nga, Jayvee Sumagaysay, Joshua Umandal, Ysay Marasigan, Francis Saura, Howard Mojica at iba pa ang unang araw ng tryouts.

Sa kabuuang 70 players, 29 rito ay para sa seniors squad at 41 para sa U-23, ang mg nagnanais na mapabilang sa PH Team. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy