Una sa Balita

Alindog ni Maja, pinakamabenta sa online TV!

By
0 5
Maja Salvador
Maja Salvador

Ang to die for, o nakamamatay na alindog ni Maja Salvador, ang isa siguro sa dahilan kung bakit namamayagpag ang primetime serye niya sa ABS-CBN, ang Wildflower. Sobrang init nga ang pagmamahal ng manonood kay Maja, dahil sobrang init din kasi ang ipinapakita ng dalaga sa teleserye niya.

Wala siyang kiyeme sa mga eksena na kailangan niyang mag-2 piece bikini, o manlandi, mang-akit ng mga kasamahan sa eksena. Kaya naman, nagbunga rin ang lahat, dahil pumalo sa all-time high national TV rating kamakailan ang Wildflower, at idineklarang most watched online via iWant TV.

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo ng 24.6% nationwide ang programa kamakailan, kumpara sa 10.7 % ng kalaban dala ng matensyong pagpapahirap ng mga Ardiente sa walang laban na si Jepoy (Vin Abrenica). Nakuha rin ng Wildflower ang top spot bilang pinakapinapanood na programa sa video-on-demand site na iWant TV at tumatabo ng mahigit 800,000 views.

Mabuko na kaya ng mga Ardiente ang pagpapanggap ni Ivy (Maja)? Makaligtas kaya ng buhay si Jepoy?  Ano pa ang handang gawin ni Diego maipanalo lang ang laban? Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscri­bers.