Una sa Balita

Alindog ni Maine, pang-FHM (For Her Man) only!

0 148

Ni RUEL MENDOZA

At dahil summer naman, hindi napigilan na mag-post si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ng kanyang mga sexy poses sa beach. Noong nakaraang Holy Week ay sa Pico de Loro in Nasugbu, Batangas nagbakasyon si Maine at kumalat sa cyberspace ang kanyang mga photos na naka-swimwear siya.

In fairness kay Maine, maganda ang mga kurba ng katawan niya kahit payat siya. Magaganda ang kuha niya mapa-colored or black & white na naka-two piece siya.

Tuloy ang leading men’s magazine ng bansa na FHM Philippines ay naisip na baka naman puwede nilang makuha si Maine para maging cover girl ng FHM.

Nasa tamang-edad naman na si Maine at kahit na siguro mag-pose ito na naka-bikini sa FHM, magiging wholesome pa rin ang dating niya at hindi mate-turn off ang kanyang millions of fans.

Kaya ang FHM ay nag-tweet ng “Maine for FHM” bilang panawagan nila na gusto nila ang Kalyeserye star to grace the cover of their magazine.

Pero marami agad ang nagprotesta na mga fans ni Maine dahil masyado pa raw bata ito para ma­ging FHM cover girl.

Paano na lang daw ang mga endorsements nito na pinagbabawal siyang makita na nakasuot ng mga provocative clothing? Nasa kontrata raw iyon kaya hindi puwede talaga si Maine sa FHM.

May nagsabi naman na puwede naman daw si Maine kaso hindi pa ito ang tamang panahon para magpa-sexy ito ng bongga.

May isa naman na nag-tweet na ang pagpapa-sexy ni Maine ay hindi para sa FHM magazine kundi para sa sarili nitong FHM (For Her Man) only at si Pambansang Bae Alden Richards iyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy