Una sa Balita

Alindog ni Jessy, puring-puri ng Kapamilya bosses!

By
0 10

In-announce na nga ng FHM Magazine na ang Kapamilya star at Banana Sundae mainstay na si Jessy Mendiola ang itinanghal na FHM Sexiest sa taong ito. Siyempre pa, masayang-masaya si Jessy dahil sa rami ng bumoto sa kanya at naniniwalang siya ang pinaka-seksing Pinay sa taong ito.

So far, wala pang balita kung kailan magaganap ang victory party pero kung pagbabasehan ang mga nakaraang taon, July ito palaging ginagawa. ‘Yun nga lang, bakit parang wala pang balita tungkol dito?

Kahit ang ilang bosses ng Kapamilya network ay personal na pinunta­han si Jessy at binati ito tulad ng Business Unit Head na si Ms. Linggit Tan at ABS-CBN President Carlo Katigbak.

Kanya-kanya si­yempre ng bet sa pinaka-seksing Pinay ang mga fans at mga kalalakihan, nandiyan sina Nadine Lustre, Jennylyn Mercado, Angel Locsin at iba pa, pero sa mga personal photos na pino-post ni Jessy sa kanyang social media account ang sa aming palagay ay nakakuha ng atensiyon ng mga bumoto sa kanya dahil talagang buong ningning naman niyang ibinalandra ang katawan sa mga two-piece bikini niya.

So wait naman natin ngayon kung ano kaya ang magiging pasabog ni Jessy sa victory party at kung manonood kaya ang rumored boyfriend daw nito ngayon na si Luis Manzano.