Una sa Balita

ALINDOG NI JANINE, PANSIN NA PANSIN NI RAYVER!

By
0 7
Janine Gutierrez
Janine Gutierrez

Kilig na kilig ang mga JanVer nitong Holy Week, dahil sa palitan ng ‘tsika’ nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa Instagram.

Nag-post kasi si Janine ng sexy photo niya na naka-swimsuit na red, pero may salbabida, na sa tingin ko ay sinadya niyang ipantakip sa kanyang ‘flower’, at legs.

“@janinegutierrez: In today’s version of honest captions – nag paddle board pero naka salbabida,” simpleng caption ni Janine.

Siyempre, mega-puri ang mga followers ng Legally Blind bida, kahit medyo bitin sila sa alindog ni Janine. Para sa kanila, enough na ang pinakita ni Janine, para ma-happy sila.

Eh, biglang may nag-comment, na mukhang nakatutok sa IG ni Janine, at alam mong pansin na pansin ang alindog ng dalaga.

“@rayvercruz: Ganda ng trailer nyo!! #baywatch,” sey ni Rayver.

At ‘yun na, nagsunud-sunod na ang mga messages, comments, at lahat sila, agree, at push na push, na sana, magkatuluyan ang dalawa, kundi hindi pa nga sila ngayon, o magi­ging sila pa lang.

Eh, humirit pa si Janine…

“@#janinegutierrez:@rayvercruz. Idol!! totoong comment ah! Haha!” sey ni Janine.

Kaya lalong nagbunyi ang mga fans, na naghahangad na maging magdyowa ang dalawa, na malabong magsama sa TV project, dahil nasa GMA si Janine, at nasa ABS-CBN naman si Rayver.