Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alindog ni Andrea bet ng sikat na politiko

0 115

True kaya ang chika na ang bagong sabak sa politika na anak ng isang sikat na politiko ay may crush kay Andrea Torres?

Well, matunog nga ang pangalan ng batang politiko na ito, na may kakaibang charm, dahil madalas din sundan ng mga kababaihan ang kanyang Instagram.

Sa post kasi ni Andrea sa Instagram, na black and white, na again and again, ay super sexy siya, sangkatutak na magaganda, papuring mensahe, para sa sexy actress.

“’Yung anak ng sikat na politiko na nanalo ngayon, may crush daw sa iyo dahil beauty ka! Eh, kakapanalo rin ng anak ng politiko na yon na sikat na rin ngayon na politiko!” sabi ng isang fan.

Siyempre, may mga nag-react, na bakit daw kailangang banggitin pa ang politiko na `yon, o anak ng sikat na politiko na ‘yon sa post ni Andrea? Eh, marami naman daw talaga ang nagkaka-crush kay Andrea.

May iba na nagsabi na naku, wag mong i-link si Andrea sa politiko na `yon.

Anyway, ang kagandahan nga raw ni Andrea ay nakaka-relax, bagamat malakas din magpainit ng pakiramdam.

Para nga raw diwata si Andrea, na mas lumulutang ang ganda habang tinititigan. Ang sarap nga raw yakapin ni Andrea, na busog na busog ang alindog.

Heto pa ang chika ng ibang mga fan kay Andrea:

“Your beauty is so refreshing.”

“Beautiful, sexy, morena Filipina.”

“Wow ang hot ng idol ko oh! Ang ganda-ganda mo.”

“Boss Andrea lang malakas!”

“How to be you po Andrea?”

“Super pretty. Super sexy.

“Pakasalan mo na ako Andrea. Akin ka lang!”

“Ang sarap gumising kapag ganito kaganda ang kasama mo. Talagang love na love kita.”

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.