Una sa Balita

Alina, Macasaet, Altamirano sa AMA

0 415

Taon-Taon nagre-recruit ang AMA sports program at pumupunta kami sa iba’t ibang liga sa Manila at probinsiya pati na rin sa mga rekomendasyon ng mga referee na ating mga kaibigan.

Isa si 6-foot-3 Nikon Alina na puwede maglaro sa posisyon na center, power forward at shooting forward.

Naglaro siya sa 3-on-3 Taiwan Excellence sa Megamall. Tinalo ng National University at sinusuportahan ng kanyang mga magulang na sina Ricardo at Susan Alina na narekomenda ni kuya June Arlegui na isang beteranong referee at kasama si Flauren Marco Andrei Macasaet na isang masipag na point guard na magaling din mamasa.

May shooting sa labas at ubod ng lakas dumepensa na nakikitaan ko na malayo ang marraating.

Suportado din ng kanyang ina na si Jazeil Macasaet at kasama rin si Ralph Gerald Altamirano na kayang maglaro ng tatlong posisyon forward, off guard at point guard.

Mataas din tumalon na supportado ng kanyang magulang malaking sakripisyo sa mga batang ito na malayo sa kanilang mga magulang para mag-aral at maglaro sa Manila.

Napakasuwerte rin nila kasi marami ring nangangarap makalaro at mag-aral ng libre sa Manila. Kung papalarin pa makakalaro sila sa AMA Online PBA D-League Team, makikita po sila sa junior league.

Ang programa ng AMA sports ay suportado ni AMA Chairman Amb. Ama­ble R. Aguiluz V, President Dr. Amable C Aguiluz IX. Sir Emil Soriano at Sir Jay Villarruz at bilang sports director ako ay taos-pusong nagpapasalamat.

Magbubukas na po ang second conference ng PBA D-League sa Hulyo 19 na lalakuhan ng 14 na team, ang AMA Online ay pangpitong taon na kasali pa rin na walang foreigner at as a school-based team na nagyon ay ang ave­rage na edad ay 21 years old pababa na pinangugunahan nina Andre Paras, Aaron Black, Alvin Fuentes, Luke Parcero at Rochil Saor.

Gusto ko tuloy ang programa ko bilang head coach at sports director ng AMA University na makatulong sa mga estudyante ng AMA na matupad ang kanilang pangarap sa basketball.

Binabati ko ang aking AMA juniors basketball sa kanilang unang panalo sa Breakdown basketball na ginaganap sa Ateneo Moro Lorenzo Gym na pinangugunahan ng mga organizer na sina Gil Salandanan at Jay Adevoso.

Ang best player ay si JC Yambao na suportado rin nila Christian Germino, Alec Catorce, Erico Dean Martin, Raphael Dave Raymundo at Christian Camay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy