Una sa Balita

Alice Dixson sa Boracay, paano nakalusot sa DENR?

By
0 661

KINUWESTIYON ng ilang mambabatas sa Kamara kung paano nakalusot sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagrampa ng model/actress na si Alice Dixson sa Boracay kahit na mahigpit na ipinagbabawal na makapasok dito ang mga turista habang isinasailalim sa rehabilitasyon ang isla.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs, dapat malinawan kung paano nakalusot si Dixson sa Boracay.

“Meron (nalalabag) if they blatantly violated ‘yung order na walang turista, walang pupunta habang nagkakaroon ng rehab… eh meron silang kasalanan du’n at dapat tingnan ‘yan kung sino ‘yung kasama? Paano nakapunta doon? I think there’s a big problem,” pahayag ni Barbers sa pana­yam ng Abante kahapon.

Binigyang-diin ni Barbers na kapag may ipinatutupad na ban dapat itong sundin ng lahat.

“So, dapat walang pipiliin ‘yung ban. Kapag sinabing ban kahit sino ka man dapat hindi ka puwedeng pumunta doon,” ani Barbers.