Una sa Balita

Alice #1 na pantasya ng kalalakihan

By
0 5,826

May mga artistang mahirap tabihan sa pictorial. Sila nga ‘yung mga artistang kahit na mag-pusod lang ng buhok, o maglugay lang ng hair, mag-smile, sure na agad na sila ang mapapansin.

At isa riyan si Alice Dixson, na sa age niya ngayon, ang hirap pa ring makatabi sa picture-picture, ha!

Look niyo ang Instagram niya ngayon, at masasabi niyong kung baguhan kayong artista na nagpapa-sexy, puwede kayong mahiya na tumabi sa kanya.

Ang seksi pa rin kasi talaga ni Alice.

“’The Secrets of A Confident Woman’ by Joyce Meyers. I think this book will inspire many of my IG followers to be happy within. @dibstrofeo,” simpleng caption ni Alice.

Sa totoo lang, kahit sabihin pang 48 years old na si Alice, siya pa rin ang pinakamabenta, pinakapinagpapantasyahan ng mga kalalakihan na may edad 50 pababa. Sa pagtatanong-tanong nga namin sa kung sino ba ang para sa kanila ay pinakanagdudulot ng init sa kanilang katawan, ang pangalan ni Alice ang lumalabas.