Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alfred sinopla ni Ogie Diaz

0 222

Ni: Roldan Castro

Matapang ang tweet ng talent manager, reporter na si Ogie Diaz kay Cong. Alfred Vargas. May reaction siya sa isang article ng actor –politician tungkol sa mga foreign movies na bigyan ng incentive program para mag-shoot sa Pilipinas.

“ Nako, Alfred Vargas! Totoo bang mahal mo ang industriya mo? Di ko gets logic mo. Nag-abstain ka sa botohan ng prangkisa ng abs, tapos, nakikipaglaban ka ngayon para sa mga filmmakers na karamihan diyan, nagwo-work sa tv industry?”

Nagpaliwanag naman si Afred sa Abantelliling na magkaiba ang abstain sa inhibit. Nag-inhibit siya para raw respetuhin ang batas . Meron din kasi siyang personal interes at pinagkakakitaan dahil may kontrata siya ng isang taon sa Star Magic kay Shaina Magdayao para sa isang pelikula.

Gayunman patuloy na bina-bash si Alfred ng mga netizen.

@AicaSilmar, “Balimbing rin cya,ngaun pa cya,naawa sa mga filmmaker. need ng vote sa abscbn hnd nea gngwa.”

@alvnjsph, “My point too Papa O!”

@lcros186, “Di nia alam ano gusto nia sa buhay.”

@jigaya_ii, “kung saan safe dun sila magpapa pogi, politiko ang tawag dyan.”

@Habagat007, “Vargas: “Bakit nga ba hirap tayong mahikayat ang mga banyaga na gumawa ng pelikula sa Pilipinas?My Opinion: “dahil sa mga kawatang mahilig sa lagay, sobrang traffic at hassle sa pag kuha ng mga permit. ”

Inamin din ni Alfred na minsan ay nasasaktan siya sa mga bira ng mga netizen pero ginagalang niya ang mga opinion ng mga ito.

Talbog!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.