Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Alfafara, Aguilas dinagit Spikers

0 151

HUMAMBALOS ng 19 points si Mark Gil Alfafara upang ialpas ang Go for Gold-Philippine Air Force Aguilas laban sa Manileno Spikers, 23-25, 25-23, 19-25, 25-23, 15-11 sa opening day ng 1st Philippine National Volleyball Federation 2021 Champions League men’s division Lunes sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.

Sinuklian ang pagbibida sa kampo ng PH 6 member na 2019 SEA Games silver medalist nina John Vic De Guzman at Kim Malabunga ng tig-16 markers at 13 puntos ni Edwin Tolentino para sa makinang na binyag sa liga.

Pagkakapos sa third set, kumapit sa fourth ang GFG-PAD at rumagasa, 21-19, mula sa atake ni Alfafara. Kahit dumikit ang Manileños, 23-24, hindi nagpasindak ang Aguilas at tinapos ang laban sa birada ni Malabunga.

Sa fifth & final stanza, naging madulas Aguilas kung saan pinalamang ni Alfafara sa 8-4. Pagkaidikit ng Spikers sa 11-12, dalawang sunod na pumuntos si Malabunga upang ilagay ang Awinning squad sa 14-11. Tinapos ni Alfafara ang laban sa isang kill block.

Kinapos naman para sa Manileno Spikers ang 17 points ni R-Vin Morris Gavan, 13 markers mula kay John Benedict San Andres, at tig-11 puntos nina Ruvince Abrot at Rwenzmel Taguibolos. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.