Una sa Balita

Alexander mami-miss ang kadaldalan ni Heart

By

Chicka magdamag

0 2,186

Patapos na nga sa January 12 ang My Korean Jagiya ni Heart Evangelista na kinagigiliwan ng manonood.

Aside from the fans and viewers, isa sa lead stars ng My Korean Jagiya na si Alexander Lee ang pinakanalulungkot sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang well-loved primetime series.

Sabi ni Alexander, ito raw ang pinakamasa­yang proyekto niyang nagawa kaya naman hindi niya mapigilang maging emotional ukol dito. Dito rin kasi niya nahanap ang babaeng sobra niyang nakagaa­nan ng loob na si Heart.

Kasing-kulit daw niya at kasing-daldal si Heart, kaya naman kapag natapos na ang serye, siguradong haha­nap-hanapin niya ito.

“I will miss having heart to heart talks with Heart. She really understands my fee­ling instantly and always gives me good advices on work and even on life. And I will definitely miss wor­king with her because she is so easy to work with and the chemistry is just perfect,” sabi ng Korean star.

Kris gusto nang magka-baby

Aliw kami sa mga recent Instagram posts ni Kris Bernal kung saan inaalagaan niya ang pamangkin niyang si Justin habang nasa kama ito at natutulog.

Bagay kasi sa kanya at sa personality niya ang maging isang mommy­ lalo pa at selfless siya at sobrang dedicated, tulad na lamang ng role niya as Nimfa sa Impostora na talaga namang laban kung laban para sa mga anak ni Ho­mer (Rafael Rosell).

Kitang-kita kay Kris ang pagiging passio­nate kaya sana magka-baby na rin siya dahil siguradong lalaking tulad niya ‘yon. Bet na nga ni Kris na magka-baby na.