Alexander at Andy pinagkaguluhan ng showbiz media

By

Nagkagulo ang press people sa pagdating ng Korean actors na sina Alexander Lee at Andy Ryu sa Paskong Kapuso 2017 na isang Thanksgiving cum Christmas Party para sa entertainment media ng Kapuso network.

Magkasama nga sina Alexander at Andy Ryu sa My Korean Jagiya.

Kanya-kanyang labas ang mga katoto (kasama rin ako, noh) sa paglabas ng cellphone sabay video at picture-picture sa dalawa.

Dahil hindi marunong mag-English si Andy, si Alexander ang naging interpreter nito sa mensahe niya sa press na paminsan-minsan ay dyinu-joke time ng hosts na sina Betong at Tetay.

Pero, teka, bakit wala si Heart Evangelista para buo na sana ang love triangle. Baka may previous commitment na rin si Heart kaya hindi naka-join.

Anyway, dumating din ang ilang Kapuso stars para pasayahin ang lahat katulad nina Glaiza de Castro, Andrea Torres, T.O.P, Ivan Dorschner at marami pang iba.

Salamat GMA and GMA CorpCom. Ang happy-happy lang!

SHARE